CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Thursday, March 20, 2008

Favorite Movies


yougotme

Title:

YOU GOT ME

Running Time:

105 mins

Lead Cast:

Toni Gonzaga, Sam Milby, Zanjoe Marudo, Johnny Delgado, Dick Israel

Director:

Cathy Garcia-Molina

Producers:

Marizel Samson

Screenwriters:

Raz dela Torre, Francis Lua

Music:

Raul Mitra

Editor:

Marya Ignacio

Genre:

Romance/Comedy

Cinematography:

Raz dela Torre

Distributor:

Star CINEMA Productions

Location:

Manila

Technical Assessment:

techratingtechratingtechrating07

Moral Assessment:

moralratingmoralratingmoralrating10

CINEMA Rating:

For viewers age 13 and below with parental guidance


Si Amor (Toni Gonzaga) ay kahanga-hangang police woman na madaling mapintuho ng kalalakihan -- matapang, maganda, palaban, matuwid, walang arte at madaling pakisamahan -- maliban na lamang kung liligawan dahil tanging ang kanyang ama (Johnny Delgado) lamang ang lalaki sa buhay niya. Kaya't madaling umatras si Kevin (Sam Milby), kapwa niya pulis, na tuluyan siyang ligawan kahit malaki ang pag-ibig nito sa dalaga. Sa kabilang banda, si Caloy (Zanjoe Marudo), isang vendor ng mga piratang DVD, ay matiyaga at malakas ang loob na magpursiging mapa-ibig siya. Dahil sadyang mahina ang loob, sumuko si Kevin nang makitang nagkakahulugan sina Amor at Caloy. Magiging magkasintahan si Amor at Caloy sa paglayo ni Kevin, subalit makalipas ang 6 na buwan, magbabalik ulit ito para sa isang operasyon ng presinto na susubok sa tunay na damdamin at relasyon ng tatlo. Sino kaya ang mas magiging matimbang sa puso ni Amor: Si Kevin na kinagigiliwan niya pero natatanga sa harap niya, o si Caloy na may pagka-brusko pero lantarang inihahayag ang kanyang pagtingin sa iba't ibang nakakatuwang paraan?

May sariwang ideya sana ang kwentong pag-ibig ng pelikula subalit hindi pa rin maiwasang haluan ng mga palasak na formulang eksena (konting bakbakan, konting iyakan, konting kilig). Gayunpaman, maayos ang mga aspetong teknikal kaya't magaan ang daloy nito. May kabagalan nga lamang ang huling ikatlong bahagi kaya't naging anti-climactic ang pagtatapos nito. Mahina ang pagganap ni Milby subalit nasasalo naman siya ng masayang interpretasyon ni Gonzaga sa kanyang tauhan at ng mga supporting cast tulad ni Delgado at Israel upang manatili ang personalidad ng pelikula. Sa kabuuan, kagiliw-giliw na rin silang panuorin.

May dalawang puntong magandang pag-usapan. Una, kung paanong ang tunay na pagmamahal ay magdadala sa iyo upang magsikap na maging mabuting tao. Mas kahanga-hanga kaysa sa matamis na panliligaw o matiyagang paglilingkod ang malayang pagdesisyon na maging matuwid at iayos ang buhay. Upang maging karapat-dapat kay Amor, sinikap ni Caloy (kahit sa simula) na bitiwan ang pagbebenta ng piratang DVD at magsikap na makakuha ng marangal na trabaho. Ikalawa, higit na dapat pahalagahan ang katwiran at kung ano ang tama kaysa sa pag-ibig. Hindi dapat isantabi ang katwiran ang kung ano ang tama alang-alang sa kaibigan, kasintahan o pamilya. Hindi yumuko si Amor sa relasyon nila ni Caloy nang mahuli ng una ang binata na sangkot sa gawaing labag sa batas kahit nabibiyak ang kanyang puso. Sa kabuuan, malinis ang pelikula at pwede na para sa mga naghahanap ng kaunting aliw at kilig.

1 comments:

MAGIS Party said...

nice one [again]....great muvie